Kita Ka Na (My own verison of Kita Kita’s 1-10 list)
Sa pelikula, tinanong ni Tonyo si Lea na bulag na ng mga panahong iyon. TONYO: "Pa'no mo ba malalaman kung mahal mo ang isang tao?" LEA: "Kapag nagbago na yung mundo mo, tapos siya lang yung lagi mong iniisip. Tapos, lahat ng gagawin mo, uunahin mo siya. Makikita mo yun e! Nagbabago yung expression ng mukha mo: lumiliwanag kapag nakikita mo siya." TONYO: "Hindi mo naman siya kailangang makita. Kusa mo siyang mararamdaman." Isa – Isang beses lamang ako nagpakatanga ng bongga sa pag-ibig, sa isang tulad mo pa. Anong saklap di ba? Pero teka, oo nga pala. Wala nga palang “tayo” di ba? Dalawa – Dalawang beses akong umiling nang tangkain mong makipagkamay sa akin nang huli tayong magkita. Hindi ko na kayang tingnan o hawakan ka pa matapos ng mga panloloko mo sa amin. Tatlo – Tatlong beses kitang tinanong kung sino ang nakarelasyon mo dito sa Dubai. Tatlong beses ka ring nagdeny. Apat – Apat ang anak mo sa 2 babae. Lahat s...