Kita Ka Na (My own verison of Kita Kita’s 1-10 list)
Sa pelikula, tinanong ni Tonyo si Lea na bulag na ng mga panahong iyon.
TONYO: "Pa'no mo ba malalaman kung mahal mo ang isang tao?"
LEA: "Kapag nagbago na yung mundo mo, tapos siya lang yung lagi
mong iniisip. Tapos, lahat ng gagawin mo, uunahin mo siya. Makikita mo yun e!
Nagbabago yung expression ng mukha mo: lumiliwanag kapag nakikita mo
siya."
TONYO: "Hindi mo naman siya kailangang makita. Kusa mo siyang
mararamdaman."
Isa – Isang beses lamang ako nagpakatanga ng bongga sa pag-ibig, sa
isang tulad mo pa. Anong saklap di ba?
Pero teka, oo nga pala. Wala nga palang
“tayo” di ba?
Dalawa – Dalawang beses akong umiling nang tangkain mong
makipagkamay sa akin nang huli tayong magkita. Hindi ko na kayang tingnan o
hawakan ka pa matapos ng mga panloloko mo sa amin.
Tatlo – Tatlong beses kitang tinanong kung sino ang nakarelasyon mo
dito sa Dubai. Tatlong beses ka ring nagdeny.
Apat – Apat ang anak mo sa 2 babae.
Lahat sila kaya ko sanang tanggapin, kasama ng napakarami mong kahinaan.
Lima – Limang taon kang hindi umuwi ng Pilipinas. Akala ko naman
totoo ang mga hugot mong dahilan. May paninikip pa ng dibdib kuno habang ikaw
ay nagkukuwento. In fairness, ang galing
mong umarte.
Anim – Anim na piraso ng damit ang mabilis na inihiwalay mula sa
aking cabinet nang mapagtanto kong nais at kailangan na kitang kalimutan.
Pito – Pitong taon na ako dito sa Dubai ngayong 2017, sa ginawa mo
sa akin, hinding-hindi ko malilimutan ang taong ito.
Walo
– Walong missed calls mula sa iyo at sa isang uknown number ang nakita ko sa
cp ko, noong June 9, 2017 ng gabi. Mabuti na lamang pala at di ko nasagot.
Siyam – Siyam na kilo ang laman ng maleta ko nang iniwan ko sa iyo.
Mga personal na gamit. Ipinakisuyo ko sa iyo, tutal magkikita naman kako tayo
pagbalik mo dito. Yun ang akala ko. Ang siyam na kilo, naging napakabigat nang
kuhanin ko mula sa iyo.
Sampu – Sampung mabibigat na dahilan ang dapat kong pag-isipan bago
ko naising makita kang muli. Sampung beses na dapat pagalitan ang sarili kung
sakaling sumagi ka pa sa isip. Dahil ang isang tulad mo dapat lamang na ibaon
na sa limot.

Comments
Post a Comment