Status: Complicated
Nakangiti mong Inabot ang rosas Tinanggap ko, diretso sa altar Umimik ka, nabasa mo ang sulat? Ah meron ba? Hindi ko nakita Kahapon mangga naman Matamis na tinapay nung isang araw Walang sawa mo kamong gagawin Pagkat iyon ang iyong kasiyahan Teka naman, natanong mo na ba ako? Kung nais ko ang mga ginagawa mo? Di ibig sabihin na tinatanggap ay nagugustuhan Hindi ba pwedeng sadyang mabait lang? Dahil sa totoo lang ... Naiirita na ako sa mga pagtawag tawag mo Mga mensahe ng pagmamahal wala namang dating Pag-aalala, pagpapa bebe mga pasakalye Walang kilig, walang bahid ng pag-ibig Huwag mo akong gawing mundo Huwag mong paikutin sa akin ang bawat sandali Huwag ring sabihing ako ang buhay mo Isang taon ka ngang sumaya habang wala ako Paulit-ulit, paikot-ikot nakasasawa Wala bang bago? Subukan mo kayang magpigil huminga Kahit limang minuto? Hindi cute, hindi nakatutuwa May buhay rin ako Huwag mong higpitan Pagkat wala namang "tayo" Utang na loob...