Posts

Pagtutupi

Tirik na ang araw ng pagaalinlangan Tumuyo sa mga piraso ng damit Ngayo'y sinasamsam Kahapon nang maglaba'y may masasayang gunita Salansan ng matatamis at mapapait na alaala Nahulog ang panyo mula sa ipitan Tumuyo sa basang palangganang nakaabang Sana'y kaya ring tuyuin luhang bumabalong Pumupuno sa timba lungkot ay tumatapon Ipinasok sa silid ang tuyong mga damit Ipinatong sa kamang ngayo'y maluwang at nanlalamig Sininop isa isa bawat hugis at laki Iningatang magkahalo ang sa iyo'y itinabi Tinitiklop ang sakit at pait ng nakaraan Pinapagpag paninibugho't pag-aasam Pinasadahan ng mga kamay mga di malilimutang sandali Mga lukot at gusot sa laylayan ng pagmamahalan Isinilid na sa kahon ang natitirang pag-asa Itinupi't inilagay ang huling mga labada Sinarhan ng halik ikinandado ng pagpapaubaya Sa iyong paglisan huwag ng lilingon pa

Status: Complicated

Nakangiti mong Inabot ang rosas Tinanggap ko, diretso sa altar Umimik ka, nabasa mo ang sulat? Ah meron ba? Hindi ko nakita Kahapon mangga naman Matamis na tinapay nung isang araw Walang sawa mo kamong gagawin Pagkat iyon ang iyong kasiyahan Teka naman, natanong mo na ba ako? Kung nais ko ang mga ginagawa mo? Di ibig sabihin na tinatanggap ay nagugustuhan Hindi ba pwedeng sadyang mabait lang? Dahil sa totoo lang ... Naiirita na ako sa mga pagtawag tawag mo Mga mensahe ng pagmamahal wala namang dating Pag-aalala, pagpapa bebe mga pasakalye Walang kilig, walang bahid ng pag-ibig Huwag mo akong gawing mundo Huwag mong paikutin sa akin ang bawat sandali Huwag ring sabihing ako ang buhay mo Isang taon ka ngang sumaya habang wala ako Paulit-ulit, paikot-ikot nakasasawa Wala bang bago? Subukan mo kayang magpigil huminga Kahit limang minuto? Hindi cute, hindi nakatutuwa May buhay rin ako Huwag mong higpitan Pagkat wala namang "tayo" Utang na loob...

Indeed!

Image

Alin nga ba?

Image
"Siguro yung bago kayo magbakasyon dalawa eh alam mong kayo pa at ok na ok kayo. Ang saya-saya niyo pa nga nang ihatid mo siya sa airport. After 7 days lang kasi susunod ka rin sa kanya. Pero pagbalik niya may iba na siyang sinamahan at di na kayo muling nagkita pa o nagkausap man lang nang maayos. Saklap nun!"                                                             - Miss Dina Natuto  " I guess my worst break-up story is yung ikaw yung huling taong nakaalam na iba na pala ang pinili niyang samahan. Hahaha. Hindi ka man lang pinagkabalahang inform di ba? Kaloka kaya! Pinaasa-asa ka pa hanggang sa huli. Para ka lang palang siopao, asadong asado ka pa naman, binobola-bola ka lang pala. The nerve ng mga lalaking ganun!"                            ...

Bakit Ganun?

Image
Kahit alam kong sukdulan ang sakit at pait Ng paulit-ulit kong pananakit sa iyong damdamin Kahit na sinabi sa sariling siya ang mahal Harap-harapang isiniwalat, sa iyo’y ibinulatlat Kahit pinili kong wakasan ang atin At sarili’y kumbinsihin Baka sa kanya lumigaya Lahat lang ng siya ay tanggapin Kahit ibinigay ang inaasam mong kalayaan Upang mahanap hinahabol kong kaligayahan Kahit piniling itapon ang masayang kahapon At higit sanang masayang ngayon Bakit ganun? Bakit ngayon ay ikaw pa rin ang hanap Sa bawat umaga andiyan nga sa tabi Ngunit tila kaylayo, at sa bawat gabing Nangungulila sa iyong mga yakap Tag-init na ngunit dama ko ang lamig Ng bawat gabi sumusuot sa kumot Nanunulay sa suot kong damit tumatagos sa balat Sumasagad sa buto dulot ay kakaibang Ginaw ng pagiisa…. Maluwag na ang cabinet, maaliwalas tingnan May sarili akong laundry basket maraming mailalaman Bukod na ang toiletries maaaring maligo kahit saan Isang tasa ng milo ang sa umaga’y pumu...

7 Words Stories

Image
i.        Sa pagitan ng kahapon at ngayon .... pinagtagpo ii.       Pinagbuksan ang katok, sa aking buhay pinapasok iii.      Sa panaginip tayo ay masaya ... doon lang iv.       Yakap kita nang mahigpit, habang nakatalikod ka v.       "Mahal kita" ang sabi ko, ngumiti ka vi.      "Mahal mo rin ba ako?" ngumiti lang vii.      Nasasabik sa pagbabalik mo, s'yang sumalubong sa'yo viii.     Kumusta ka? Mas masaya ka na ba? ix.       Mailap ang antok mula nang mawala ka x.        Meron lamang "ikaw" at "ako," walang " TAYO "

Oo nga

Image