Posts

Showing posts from 2017

Status: Complicated

Nakangiti mong Inabot ang rosas Tinanggap ko, diretso sa altar Umimik ka, nabasa mo ang sulat? Ah meron ba? Hindi ko nakita Kahapon mangga naman Matamis na tinapay nung isang araw Walang sawa mo kamong gagawin Pagkat iyon ang iyong kasiyahan Teka naman, natanong mo na ba ako? Kung nais ko ang mga ginagawa mo? Di ibig sabihin na tinatanggap ay nagugustuhan Hindi ba pwedeng sadyang mabait lang? Dahil sa totoo lang ... Naiirita na ako sa mga pagtawag tawag mo Mga mensahe ng pagmamahal wala namang dating Pag-aalala, pagpapa bebe mga pasakalye Walang kilig, walang bahid ng pag-ibig Huwag mo akong gawing mundo Huwag mong paikutin sa akin ang bawat sandali Huwag ring sabihing ako ang buhay mo Isang taon ka ngang sumaya habang wala ako Paulit-ulit, paikot-ikot nakasasawa Wala bang bago? Subukan mo kayang magpigil huminga Kahit limang minuto? Hindi cute, hindi nakatutuwa May buhay rin ako Huwag mong higpitan Pagkat wala namang "tayo" Utang na loob...

Indeed!

Image

Alin nga ba?

Image
"Siguro yung bago kayo magbakasyon dalawa eh alam mong kayo pa at ok na ok kayo. Ang saya-saya niyo pa nga nang ihatid mo siya sa airport. After 7 days lang kasi susunod ka rin sa kanya. Pero pagbalik niya may iba na siyang sinamahan at di na kayo muling nagkita pa o nagkausap man lang nang maayos. Saklap nun!"                                                             - Miss Dina Natuto  " I guess my worst break-up story is yung ikaw yung huling taong nakaalam na iba na pala ang pinili niyang samahan. Hahaha. Hindi ka man lang pinagkabalahang inform di ba? Kaloka kaya! Pinaasa-asa ka pa hanggang sa huli. Para ka lang palang siopao, asadong asado ka pa naman, binobola-bola ka lang pala. The nerve ng mga lalaking ganun!"                            ...

Bakit Ganun?

Image
Kahit alam kong sukdulan ang sakit at pait Ng paulit-ulit kong pananakit sa iyong damdamin Kahit na sinabi sa sariling siya ang mahal Harap-harapang isiniwalat, sa iyo’y ibinulatlat Kahit pinili kong wakasan ang atin At sarili’y kumbinsihin Baka sa kanya lumigaya Lahat lang ng siya ay tanggapin Kahit ibinigay ang inaasam mong kalayaan Upang mahanap hinahabol kong kaligayahan Kahit piniling itapon ang masayang kahapon At higit sanang masayang ngayon Bakit ganun? Bakit ngayon ay ikaw pa rin ang hanap Sa bawat umaga andiyan nga sa tabi Ngunit tila kaylayo, at sa bawat gabing Nangungulila sa iyong mga yakap Tag-init na ngunit dama ko ang lamig Ng bawat gabi sumusuot sa kumot Nanunulay sa suot kong damit tumatagos sa balat Sumasagad sa buto dulot ay kakaibang Ginaw ng pagiisa…. Maluwag na ang cabinet, maaliwalas tingnan May sarili akong laundry basket maraming mailalaman Bukod na ang toiletries maaaring maligo kahit saan Isang tasa ng milo ang sa umaga’y pumu...

7 Words Stories

Image
i.        Sa pagitan ng kahapon at ngayon .... pinagtagpo ii.       Pinagbuksan ang katok, sa aking buhay pinapasok iii.      Sa panaginip tayo ay masaya ... doon lang iv.       Yakap kita nang mahigpit, habang nakatalikod ka v.       "Mahal kita" ang sabi ko, ngumiti ka vi.      "Mahal mo rin ba ako?" ngumiti lang vii.      Nasasabik sa pagbabalik mo, s'yang sumalubong sa'yo viii.     Kumusta ka? Mas masaya ka na ba? ix.       Mailap ang antok mula nang mawala ka x.        Meron lamang "ikaw" at "ako," walang " TAYO "

Oo nga

Image

Shout out sa lahat ng makakarelate

Image
This goes out to all of the people who have been broken but have been strong enough to let go. For the people who have hurt so badly that they felt they could never love again, but kept their head up. For the people that wish loneliness wasn’t a part of them, but put up with it anyhow. For the people that are okay with taking up all of the room in the bed, even if sometimes it feels a little empty. For the people who wake up in the morning with no missed calls, but smile anyway. For the people that have wounds still healing. For the people that have so much tied to their past relationship, but break those chains to start fresh. For the people that want to look back so badly, but focus on the road ahead. For the people that pick up the phone so tempted to call, but keep their dignity intact instead. For the people that never wanted to let go, but had to. For the people that still believe in love even after all of the hurt their heart has endured. For all the people that gave up not be...

Parang Ikaw ....

Image

Paruparo ng Bulaklak

Image
May kaway ang nektar ng Gitnang Silangan Sa mga bulaklak may ‘tinagong  yaman Salat na sa parang  yaring Inang bayan Pobreng paruparo’y nagpasyang lumisan Pag-asa’t naisin kipkip sa pag-alis Pinahid ang luhang agad namalisbis Pangamba at takot hinawing mabilis Kakayaning lahat at handang magtiis Naiwan ang puso balot ng sumpaan Tamis ng pag-ibig ang baong larawan “Walang mababago” ang huling usapan Muling magkikita tuloy ang lambingan Mainit na hangin, pumaso sa balat Banyagang salita hirap madalumat Tila umiiwas, abala ang lahat Estrangherong ngiti sa init ay salat Lubos ang ligaya pagsapit ng dilim Araw na napilas sa ‘king paninimdim Ang pangungulila’y tuloy sa paglalim Mahinhing paghibik tuwing takipsilim Pag-ibig  kong wagas tuluyang nagwakas Bumitiw sa tali, nagpilit kumalas Makulay na pakpak nawalan ng lakas Sa pagkaduhagi, paano aalpas? Madilim na ulap, malungkot na hangin Amang minamahal t...

Isang Lumang Tula

Paano Kung . . . Mamamatay ka na ngayon Nakahanda ka ba? Kung ang puso’y sumambulat At ang mga piraso’y humalo Sa mga bubog ng salaming Mababasag dahil sa pagbangga, Ng bus na iyong sinasakyan Sa kasunod nitong trak. Hindi ka ba manghihinayang? Nasa loob ng pusong iyan Ang damdaming pilit ikinukubli, Ang mga katagang hindi pa nasasabi; Mga salitang hindi ka sigurado Kung dapat pang isiwalat. Kung ang mukha ay maipit sa bakal na upuan, Ang bibig ay hindi na maibubuka, Nasa loob pa naman niyan ang dilang Magpapahayag sana ng mga pangako. Kung sa pagpupumilit mong tumayo Ay maiwan ang kaliwang hitang madadaganan Ng bigat ng sasakyang nabuwal, Sayang... naguumalpas sa katawang iyan Ang pagnanasang manatili sa kanyang tabi. Iaasa mo na lamang ba sa sariling kaluluwa Ang pagpaparamdam? -  First posted 18:07:20 (Mla time) October 11, 2006 Mary Ann Cariquez INQ7.net

Kita Ka Na (My own verison of Kita Kita’s 1-10 list)

Image
Sa pelikula, tinanong ni Tonyo si Lea na bulag na ng mga panahong iyon. TONYO: "Pa'no mo ba malalaman kung mahal mo ang isang tao?" LEA: "Kapag nagbago na yung mundo mo, tapos siya lang yung lagi mong iniisip. Tapos, lahat ng gagawin mo, uunahin mo siya. Makikita mo yun e! Nagbabago yung expression ng mukha mo: lumiliwanag kapag nakikita mo siya." TONYO: "Hindi mo naman siya kailangang makita. Kusa mo siyang mararamdaman." Isa – Isang beses lamang ako nagpakatanga ng bongga sa pag-ibig, sa isang tulad mo pa.  Anong saklap di ba? Pero teka, oo nga pala.  Wala nga palang “tayo” di ba? Dalawa – Dalawang beses akong umiling nang tangkain mong makipagkamay sa akin nang huli tayong magkita. Hindi ko na kayang tingnan o hawakan ka pa matapos ng mga panloloko mo sa amin. Tatlo – Tatlong beses kitang tinanong kung sino ang nakarelasyon mo dito sa Dubai. Tatlong beses ka ring nagdeny. Apat – Apat ang anak mo sa 2 babae.  Lahat s...

Getting There

Image
"Salamat sa huwad mong pagmamahal, mas namulat ako sa katotohanan. Salamat sa pagbabalatkayo, mas natutunan ko na walang masama sa pagpapaka-totoo. Salamat sa panggagamit, napatunayan ko na hindi sapat na dahilan ang kabaitan upang di ka lokohin, nasa tao pa rin. Salamat sa pambabalewala, mas natutunan kong pahalagahan kahit ang pinaka simple at pinakamaliit na bagay na ginagawa sa akin ng kapwa ko. Salamat sa masasakit na salita, narinig ko ang tunay na laman ng iyong puso. Salamat sa pagpapaikot, napatunayan kong hindi na nakakahilo ang sumakay sa tinahi mong mga kasinungalingan. Salamat sa pananakit, mas naging matatag ako. Salamat sa paulit-ulit mong pagpapakita sa akin kung anong uri ng tao ka, kung anong klaseng pagkalalaki ang meron ka."

Nakita lang somewhere ...

Image

Paano Ka Matulog?

Image
"Paano matulog ang pipi?" tanong ko noon Nagkatinginan kayo, sabay sabing "nakapikit?" "Hindi maingay?"  "Sign language ang paghihilik?" Nais kitang tanungin ngayon ... Paanong nakakatulog ang isang sinungaling? Unan ang bulaklak ng mga salita? Kumot ay tinahing mga kwento? Mahimbing at naghihilik na may ngiti sa mga labi Tila nagsasabing "hmmmm, napaniwala ko sila."

Ikaw (March 2007)

Ikaw ang dahilan kung bakit may saya May ngiti sa labi't may ningning ang mata Ikaw nga ang araw ng bawat umaga Kung tag-ulan naman, hatid mo'y pag-asa Laman ka ng isip, hindi nawawaglit Sa tuwi-tuwina sayo'y nasasabik Mula sa paggisising hanggang managinip Di nais mawalay kahit isang saglit Lahat ng mayroon sayo'y iaalay Sukdulang magtiis lumigaya ka lang Sa bawat pagluha akong nahihilam Ang kalungkutan mo'y aking kamatayan Wagas na damdamin, laman nitong diddib Mahalin mo lamang tanging ninanais Dito sa puso ko, wala kang kapalit Nabubuhay ako sa iyong pag-ibig *Unang tula ng pag-ibig para kay Marlon S. Dela Cuadra https://www.youtube.com/watch?v=MpdZxKycjcw

Balik Tanaw

Image
"Apat na taon na mula nang ikaw ay lumisan. Alaala mo na lamang ang binabalik-balikan." 7 Agosto 2013 To My One and Only True Love, May nagtanong sa akin, ano raw ba ang pakiramdam ng mamatayan ng dating karelasyon. “Malungkot” awtomatiko kong tugon. Higit na malungkot yung sa atin dahil hindi kagandahan ang naging pagtatapos. Sumama ang loob ko at nasaktan at tuluyang isinara ang anumang pakikipag-ugnayan sa iyo. Huling usap natin ng personal di ba inamin ko pa sa iyo na walang nabago sa nararamdaman ko sa iyo kahit nagkahiwalay man tayo? At ikaw lang ang lalaking minahal ko, bukod sa Tatay ko. At ewan ko ba kako sa sarili ko kung bakit kahit anong pananakit ang gawin mo sa kalooban ko, lagi pa rin kitang napapatawad, natatanggap at handang unawain. Pero sa huling natuklasan ko, bumalik yung dating takot, sakit at pait. Takot na paano kung mauwi rin sa wala ang anumang sisimulan nating muli? Sakit sa isiping bakit kailangang pati ako ay saktan mo? Wala nama...

Pagtutupi (ni Mary Ann)

Image
Tirik na ang araw ng pag-aalinlangan Tumuyo sa mga piraso ng damit, ngayo'y sinasamsam Kahapon nang maglaba'y may masasayang gunita Salansan ng matatamis at mapapait na alaala Nahulog ang panyo mula sa ipitan Tumuyo sa basang palangganang nakaabang Sana'y kaya ring tuyuin ang luhang bumabalong Pumupuno sa timba, lungkot ay tumatapon Ipinasok sa silid ang tuyong mga damit Ipinatong sa kamang ngayo'y maluwang at nanlalamig Sininop isa-isa, bawat hugis at laki Iningatang magkahalo, ang sa iyo'y itinabi Tinitiklop ang sakit at pait ng nakaraan Pinapagpag paninibugho't pag-aasam Pinasadahan ng mga kamay mga di malilimutang sandali Mga lukot at gusot sa laylayan ng pagmamahalan Isinilid na sa kahon ang nalalabing pag-asa Itinupi't inilagay ang huling mga labada Sinarhan ng halik, ikinandado ng pagpapaubaya Sa iyong paglisan, huwag ng lilingon pa - 12 June 2016 (araw ng paglaya)