Status: Complicated
Nakangiti mong Inabot ang rosas
Tinanggap ko, diretso sa altar
Umimik ka, nabasa mo ang sulat?
Ah meron ba? Hindi ko nakita
Kahapon mangga naman
Matamis na tinapay nung isang araw
Walang sawa mo kamong gagawin
Pagkat iyon ang iyong kasiyahan
Teka naman, natanong mo na ba ako?
Kung nais ko ang mga ginagawa mo?
Di ibig sabihin na tinatanggap ay nagugustuhan
Hindi ba pwedeng sadyang mabait lang?
Dahil sa totoo lang ...
Naiirita na ako sa mga pagtawag tawag mo
Mga mensahe ng pagmamahal wala namang dating
Pag-aalala, pagpapa bebe mga pasakalye
Walang kilig, walang bahid ng pag-ibig
Huwag mo akong gawing mundo
Huwag mong paikutin sa akin ang bawat sandali
Huwag ring sabihing ako ang buhay mo
Isang taon ka ngang sumaya habang wala ako
Paulit-ulit, paikot-ikot nakasasawa
Wala bang bago?
Subukan mo kayang magpigil huminga
Kahit limang minuto?
Hindi cute, hindi nakatutuwa
May buhay rin ako
Huwag mong higpitan
Pagkat wala namang "tayo"
Utang na loob ayusin mo na lang
Mga buhay na sinira mo
Huwag puro sarili, huwag puro ikaw
Pero pakiusap huwag ring ako
Tinanggap ko, diretso sa altar
Umimik ka, nabasa mo ang sulat?
Ah meron ba? Hindi ko nakita
Kahapon mangga naman
Matamis na tinapay nung isang araw
Walang sawa mo kamong gagawin
Pagkat iyon ang iyong kasiyahan
Teka naman, natanong mo na ba ako?
Kung nais ko ang mga ginagawa mo?
Di ibig sabihin na tinatanggap ay nagugustuhan
Hindi ba pwedeng sadyang mabait lang?
Dahil sa totoo lang ...
Naiirita na ako sa mga pagtawag tawag mo
Mga mensahe ng pagmamahal wala namang dating
Pag-aalala, pagpapa bebe mga pasakalye
Walang kilig, walang bahid ng pag-ibig
Huwag mo akong gawing mundo
Huwag mong paikutin sa akin ang bawat sandali
Huwag ring sabihing ako ang buhay mo
Isang taon ka ngang sumaya habang wala ako
Paulit-ulit, paikot-ikot nakasasawa
Wala bang bago?
Subukan mo kayang magpigil huminga
Kahit limang minuto?
Hindi cute, hindi nakatutuwa
May buhay rin ako
Huwag mong higpitan
Pagkat wala namang "tayo"
Utang na loob ayusin mo na lang
Mga buhay na sinira mo
Huwag puro sarili, huwag puro ikaw
Pero pakiusap huwag ring ako
Comments
Post a Comment