i. Sa pagitan ng kahapon at ngayon .... pinagtagpo ii. Pinagbuksan ang katok, sa aking buhay pinapasok iii. Sa panaginip tayo ay masaya ... doon lang iv. Yakap kita nang mahigpit, habang nakatalikod ka v. "Mahal kita" ang sabi ko, ngumiti ka vi. "Mahal mo rin ba ako?" ngumiti lang vii. Nasasabik sa pagbabalik mo, s'yang sumalubong sa'yo viii. Kumusta ka? Mas masaya ka na ba? ix. Mailap ang antok mula nang mawala ka x. Meron lamang "ikaw" at "ako," walang " TAYO "
Comments
Post a Comment