Alin nga ba?

"Siguro yung bago kayo magbakasyon dalawa eh alam mong kayo pa at ok na ok kayo. Ang saya-saya niyo pa nga nang ihatid mo siya sa airport. After 7 days lang kasi susunod ka rin sa kanya. Pero pagbalik niya may iba na siyang sinamahan at di na kayo muling nagkita pa o nagkausap man lang nang maayos. Saklap nun!"
                                                           - Miss Dina Natuto




 " I guess my worst break-up story is yung ikaw yung huling taong nakaalam na iba na pala ang pinili niyang samahan. Hahaha. Hindi ka man lang pinagkabalahang inform di ba? Kaloka kaya! Pinaasa-asa ka pa hanggang sa huli. Para ka lang palang siopao, asadong asado ka pa naman, binobola-bola ka lang pala. The nerve ng mga lalaking ganun!"

                                                     - Ms. Special Daw




"Yung inakala mong seryoso sa iyo kasi ipinakilala ka sa Nanay niya at ikaw naman ipinakilala mo siya sa buong angkan mo at mga kaibigan. Then matutuklasan mo seryoso naman pala talaga. Seryosong pasakayin at lokohin ka . . ."

                                                             - Anonymous


"Uhmmmm, yung tipo ng relasyon na one-sided lang eversince magsimula kayo. Yung sa pagdaraan ng bawat araw ninyo together, parang papalapit kayo sa araw ng paghihiwalay. Gets mo? Basta! Yung hindi ka man lang niya naconsider. Yung hindi mo man lang naipaglaban kasi wala kang kamalay-malay may pinili na pala? Hindi pa nagsisimula ang laban, talo ka na?! Alam mo yun?! Ang sakit-sakit kaya."

                                                       - Binibining Aray Nakuh


" I met this guy after realizing that I am ready to fall in love again. I really thought, answered prayer na. He kept on telling me pa since the beginning of our friendship na hindi niya ako kayang lokohin dahil ang bait-bait ko raw sa kanya. Napaniwala niya ako. I really thought hindi nya ako sasaktan. Akala ko iba siya, akala ko totoo. Well, iba nga pala siya. Ibang klaseng manloko, magpa-ikot, magpa-sakay, manggamit. In case makasalubong mo sa daan, paki-iwasan na lang. Baka kasi pati ikaw, mabiktima. (5'4" in height, medium built, curly hair, wears eyeglasses, may kakapalan ang mukha, masama kung makatingin, parang nakakaloko kung ngumiti)."

                                                       - Miss Bea Ware



"Para sa akin wala ng sasama pa siguro dun sa malalaman mo na sa huli ideny ka. Yung tipong wala naman kayong pinag-awayan pero iniwan ka. Wala ring explanation kung bakit kailangan niyang gawin yun. Nung tinanong mo kung may iba ba, meron daw pero ayon sa kanya mas matimbang ka. Nung humiling ka na palayain ka ayaw naman. Aayusin lang daw niya sarili niya. Tapos malalaman mo sa huli, sabi niya dun sa isa walang "kayo" at "kaibigan" ka lang daw niya. Ang sakit palang maiwan sa ere tapos pagbagsak mo walang sasalo." 

                                          - Miss Naissa Han



Comments

Popular posts from this blog

Pagtutupi

7 Words Stories

Paruparo ng Bulaklak