Bakit Ganun?
Kahit alam kong sukdulan ang sakit at pait
Ng paulit-ulit kong pananakit sa iyong damdamin
Kahit na sinabi sa sariling siya ang mahal
Harap-harapang isiniwalat, sa iyo’y ibinulatlat
Kahit pinili kong wakasan ang atin
At sarili’y kumbinsihin
Baka sa kanya lumigaya
Lahat lang ng siya ay tanggapin
Kahit ibinigay ang inaasam mong kalayaan
Upang mahanap hinahabol kong kaligayahan
Kahit piniling itapon ang masayang kahapon
At higit sanang masayang ngayon
Bakit ganun?
Bakit ngayon ay ikaw pa rin ang hanap
Sa bawat umaga andiyan nga sa tabi
Ngunit tila kaylayo, at sa bawat gabing
Nangungulila sa iyong mga yakap
Tag-init na ngunit dama ko ang lamig
Ng bawat gabi sumusuot sa kumot
Nanunulay sa suot kong damit tumatagos sa balat
Sumasagad sa buto dulot ay kakaibang
Ginaw ng pagiisa….
Maluwag na ang cabinet, maaliwalas tingnan
May sarili akong laundry basket maraming mailalaman
Bukod na ang toiletries maaaring maligo kahit saan
Isang tasa ng milo ang sa umaga’y pumupuno sa tiyan
Hindi kailangang mamalantsa ng marami
O maglaba ng uniporme
Hindi rin kinakailangang magsiksik sa gilid ng kamang
Pinilit pagkasyahin ang mga katawang
Di naman mga balingkinitan
Nagagawa ko ang anumang nais ko
Makapaglalaro anumang oras
Makanonood ng anumang palabas
Walang magbabawal, walang maghahanap
Ngunit bakit hindi maisuot ang mga ngiting nakasanayan
Laging nababasa ng luha ang mga mata
Walang halakhak na karaniwang nauulinagan
Kumakain ngunit hindi makadama ng kabusugan
Umiinom ngunit tila nahihirinan
Bumabangon ngunit tila hindi gising
Nahihiga sa gabi ngunit di nakapagpapahinga
Humihinga ngunit di nabubuhay
Sa pagdaan ng mga araw unti-unti
Akong namamatay
Hinahanap ko ang iyong pansin sa salansan ng mga pinggan
Tinitingnan ko ang bakas ng iyong haplos sa ilalim ng unan
Pinapagpag ang kumot baka ang yakap mo ay nandoon
Halik mo naman ay hinahabol sa basong gamit sa pag-inom
Anuman ang iniisip mo ngayon, nais kong malaman mo
Hungkag ang damdamin ko ngayon
Ayokong sabihing mahal kita dahil di ka maniniwala
Ngunit pinipili kong manatili sa iyong piling
Hindi ko hiling na ibalik ang iyong damdamin
Hayaan mo lang sanang mahalin kita ng palihim
Anuman ang gawin ko ay iyong tanggapin
Pangako, hindi ako maghahangad ng higit
Sa kaya mong ipagkaloob
Salamat, lubha akong nangungulila sa iyo . . /

Comments
Post a Comment