Ikaw (March 2007)
Ikaw ang dahilan kung bakit may saya
May ngiti sa labi't may ningning ang mata
Ikaw nga ang araw ng bawat umaga
Kung tag-ulan naman, hatid mo'y pag-asa
Laman ka ng isip, hindi nawawaglit
Sa tuwi-tuwina sayo'y nasasabik
Mula sa paggisising hanggang managinip
Di nais mawalay kahit isang saglit
Lahat ng mayroon sayo'y iaalay
Sukdulang magtiis lumigaya ka lang
Sa bawat pagluha akong nahihilam
Ang kalungkutan mo'y aking kamatayan
Wagas na damdamin, laman nitong diddib
Mahalin mo lamang tanging ninanais
Dito sa puso ko, wala kang kapalit
Nabubuhay ako sa iyong pag-ibig
Comments
Post a Comment