Pagtutupi (ni Mary Ann)
Tirik na ang araw ng pag-aalinlangan
Tumuyo sa mga piraso ng damit, ngayo'y sinasamsam
Kahapon nang maglaba'y may masasayang gunita
Salansan ng matatamis at mapapait na alaala
Nahulog ang panyo mula sa ipitan
Tumuyo sa basang palangganang nakaabang
Sana'y kaya ring tuyuin ang luhang bumabalong
Pumupuno sa timba, lungkot ay tumatapon
Ipinasok sa silid ang tuyong mga damit
Ipinatong sa kamang ngayo'y maluwang at nanlalamig
Sininop isa-isa, bawat hugis at laki
Iningatang magkahalo, ang sa iyo'y itinabi
Tinitiklop ang sakit at pait ng nakaraan
Pinapagpag paninibugho't pag-aasam
Pinasadahan ng mga kamay mga di malilimutang sandali
Mga lukot at gusot sa laylayan ng pagmamahalan
Isinilid na sa kahon ang nalalabing pag-asa
Itinupi't inilagay ang huling mga labada
Sinarhan ng halik, ikinandado ng pagpapaubaya
Sa iyong paglisan, huwag ng lilingon pa
- 12 June 2016 (araw ng paglaya)

Comments
Post a Comment